Feeds:
Posts
Comments

Archive for the ‘Video’ Category

Ano ba ang ASEZA?
– Aurora Special Economic Zone Act of 2007 o RA 9490
– Isang enklabo o eksklusibong lugar para sa negosyong pang eksport at para sa mga Trans National Corporation (TNCs) at lokal na mayayamang kapitalista.
– Sumasakop sa limang daang (500) ektarya na matatagpuan sa Bgy. Esteves, Dibet at Dibacong sa bayan ng Casiguran
– Sa kasalukuyan ay may nakahaing amyenda para baguhin ang pangalan (Aurora Pacific Economic Zone and Free Port) at palawakin pa na umaabot sa 13,852 ektarya na sumasakop sa mga Barangay tulad ng Dibet, Esteves, Dibacong (1,000 ektarya) at Cozo, San Ildefonso, Culat at Lual (12,852 ektarya)

Anu-ano ang mga proyektong itatayo dito?
– Para mahikayat ang dayuhang mamumuhunan, sa unang yugto ay itatayo ang international airport, daungan ng malalaking cargo vessels (barko), club house, hotel, beach resorts at entrance plaza.
– Itatayo din ang mga pabrikang pang-eksport, marine culture park, at iba pa. Gagamitin ang P800 milyong buwis ng mamamayan para sa proyektong ito.

Bakit tumututol ang mamamayan sa ASEZA/APEZA?
– Mawawalan ng lupa ang mga lihitimong nagmamay-ari ng lupa (titulado, deklarado) at mga magsasakang matagal nang naglilinang nito. Gayundin ang mga katutubong mamamayan na matiwasay na namumuhay sa mga pamayanan sa baybay dagat.
– Manganganib ang kasiguruhan sa pagkain sapagkat ang mga sinakop na lugar ay prime agrikultural land at tinuturing na rice granary ng Northern Aurora at masisira ang mga saganang pangisdaan na nagsusuplay maging sa karatig lalawigan.
– Mawawalan ng kasiguruhan sa paninirahan dahil sa malawakang dislokasyon.
– Ang mga tinaguriang “informal families” na ililipat sa relocation ay mga taal na taga barangay mismo.
– Ang target na relocation site para sa 450 kabahayan na may kabuuang 13.93 ektarya sa Reserba ay kasalukuyang binubungkal, pinagyayaman at pinaninirahan din ng mga pamilyang magsasaka noon pang 1960s.
– Walang isinasagawang anumang konsultasyon sa mamamayang maaapektuhan ng proyekto bago at matapos maisabatas ang ASEZA.
– Para sa karaniwang magsasaka, mangingisda at katutubo, ang lupa at dagat ay buhay.
– Ang ipinapangako at ipinapanagalandang trabaho ay panandalian lamang at hindi para sa karamihang mamamamayan.
– Naniniwala kami na ang pagpapaunlad ng agrikultura sa pamamagintan ng pamamamhagi ng lupa at suportang serbisyo para sa magsasaka ang susi para maibsan ang kahirapan at hindi ang pagsandig sa mga dayuhang inbestor at mayayamang negosyante.

Kahilingan ng mamamamayan:
-Ipamahagi ang lupang reserbasyon sa mga lihitimong magsasakang nagbubungkal nito.
– Ipatupad ang tunay na reporma sa lupa.
– Igalang at protektahan ang lupain at karagatang ninuno at lupang sakahan.
-Kasiguruhan sa pagkain at paninirahan ng mamamayan.

Advertisements

Read Full Post »